Add parallel Print Page Options

23 Papatayin nila siya at sa ikatlong araw ay muling bubuhayin. Sila ay lubhang namighati.

Ang Buwis sa Templo

24 Nang sila ay dumating sa Capernaum, ang mga maniningil ng buwis ng templo ay lumapit kay Pedro. Sinabi nila: Hindi ba nagbabayad ng buwis ang inyong guro?

25 Sinabi niya: Oo.

Nang makapasok na siya sa bahay, kinausap muna siya ni Jesus na sinasabi: Simon, ano ba ang palagay mo?Kanino naniningil ng bayarin at buwis pangdayuhan ang mga hari sa daigdig? Naniningil ba sila sa kanilang mga anak o sa mga dayuhan?

Read full chapter